Thursday, October 09, 2008

skipping a beat

muntik na akong maniwala na natakasan ko ang kalungkutan. 
paminsan-minsan iniisip ko rin paano kaya ang buhay kung wala ang kalungkutan. kahapon bumulog ang kulig-kulig, sabi niya: walang lunas ang kalungkutan. sagot ko naman nandiyan lang ang mga meron temporary utopias na naghihintay sa atin: sa pagitan ng bawat buntong-hininga, sa pagitan ng dalawang kalyeng di nagtatapo at maging pagitan ng mga sulok ng bawat pagtunga sa alak. pilit ko hinahanap saan ba dito sa katawan ko nagtatago ang madilim na pagnanasa. pilit ko rin itong tinatakbuhan. sino bang hindi gusto humagolgol tulad ng ulan na maya't-mayang bumibisita?  sinong bang ayaw ng mainit na daplos ng sandata sa dibdib? maliliit na hamon para sa malalaking mga hiling. mga engrandeng busilak ng pagnanasa o di kaya'y mabibigat na paalala.
habol ng diwa, gumagapang ako patango sa katapusan ng araw na ito. sa pagbaba ng busilik o pagbagsak ng telon. kung kaya ko lang damputin ang nilalaman ng dibdib ko at itapong papalayo

No comments: